Una sa Balita

WIDODO NAGPALIWANAG SA KASO NI VELOSO

By
0 87

Nilinaw ni Indonesian President Joko Widodo ang naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagpayag umano nito para matuloy ang pagbitay sa Pinay drug convict na si Mary Jane Veloso.

Sa ulat ng Channel News Asia, sinabi ni Widodo na binanggit ni Duterte sa kanya nang mag-usap ang mga ito noong Setyembre 9 sa Indonesia ang katagang “President Durterte said please, go ahead with the process in line with the law in Indonesia.”

Dahil dito, nakumpirma ang naunang pahayag ng Malacañang na hindi nito inendorso ang pagbitay kay Veloso at sa halip ay sinabi nito kay Widodo na hindi ito makikialam sa ligal na proseso ng Indonesia.

Ang paglilinaw ng Malacañang ay matapos iulat ng Jakarta Post na nagbigay si Duterte ng “go-ahead” signal para matuloy ang pagbitay kay Veloso, ang single-mother ng dalawang anak nito na nahatulan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad matapos mahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa Indonesia noong Oktubre 2010.

Makailang ulit napagpaliban ang pagpapataw ng parusang kamatayan kay Veloso matapos umapela ang nakalipas na admi­nistrasyon sa Indonesia na biktima lamang ito ng human trafficking kasabay ng pagturo sa mga illegal recruiters nito na sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao, na kasalukuyang nahaharap sa kasong illegal recruitment, human trafficking at estafa sa korte sa Nueva Ecija na nagpadala ng nasabing iligal na droga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy