Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Who You’ sa 2022?

0 336

Marami talagang binago ang pandemic. Kung dati ay super bongga kapag mag celebrate ng Pasko at Bagong Taon, ngayon ay simple na lang. Nabawasan ang garbo. Napag isip-isip kasi natin na hindi materyal na bagay ang mahalaga ngayon kundi ang oras kasama ang ating pamilya, kumbaga quality time talaga at happy moments sa piling nila.

Nabago din ang ating pananaw sa buhay. Mas nanaig ngayon ang ispiritwalidad, emosyon, at damdamin na kailangang maipadama natin sa ating mga loved ones dahil hindi natin sure kung bukas sa ating paggising ay kasama pa natin sila.

Ngayong darating na Bagong taon, dapat talaga ang isang makatotohanang pagbabagong buhay. Isang tapat na New Year’s resolution na naka-focus sa ating relasyon at pagmamahal sa ating pamilya at kapwa.

Iwasan nating balikan at babaran ang nakaraan. Ito na ang new normal na kailangan nating tanggapin at harapin. Dapat tayong mag-adapt sa pagbabago. Mahirap man ito pero kailangang move on na tayo. Itigil na ang pag senti. Wag na ikumpara ang noon sa ngayon dahil hindi na babalik ang kahapon.

Harapin natin ang mga esensyal na bagay at kung anong mayroon sa ngayon na dapat ipagpasalamat. Sa halip na magreklamo, tignan at aralin ang solusyon sa problema para mabago ang sitwasyon. “Acceptance is the key” ika nga.

Sa pagpasok ng bagong taon, mag-ipon ng kabutihan. Lagin magpasalamat. Sabi nga ni Father Jerry Orbos, tatlong salita ang mahalaga ngayong sabihin sa isa’t isa: ‘ Thank you ’ , ‘ I’m sorry ‘, at ‘ I love you ‘. Kung gusto nating yumabong at tumatag ang pagsasama ng pamilya o ng mga kaibigan. Habaan ang pasensya. Mag-sorry sa nagawang pagkakamali at subukang wag na itong ulitin. Maging matulungin at turuan ang sarili na palapagpasin ang mga maliliit na bagay dahil mabigat na ang dinadalang negativity ng pandemya sa buong mundo kaya chill lang tayo.

Tradisyon na nating gumawa ng mga New Year’ resolution kada taon, pero ngayong darating na 2022, ibang level sana ang pagbabago sa ating sarili. Hindi kailangang maging perpekto kundi isang mas mabait, mas matulungin, mas masiyahin, at mag mapagmahal na tayo kaysa kung sino ka kahapon.

Sikapin nating isabuhay ang pagiging isang mabuting nilalang. Ang pagiging matulungin sa kapwa ay hindi lang nasusukat sa pagbibigay ng pera o bagay. Maaari itong ipadama sa pamamagitan ng pagdamay at pakikisama. Sabi nga ‘making good memories’ ang higit na importante ngayon dahil sa isang kisapmata ay maaaring mawala ang lahat sa’tin.

Sana ay makita natin ang tunay na kabuluhan ng Pasko at Bagong Taon sa kabila ng mga pagsubok. Gawin nating viral ang bayanihan at pagmamahalan para sa isang masayang bukas.

Maari kayong mag-share ng inyong hindi makakalimutang trip, happening, at kung anu-ano pang nagpapasaya sa inyo at ating itong ilalathala. Mag-email sa: viel0715_@2000@yahoo.com at sundan ang aking mga ganap sa FB at Twitter.

Leave A Reply

Your email address will not be published.