Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

WHO sa ‘Pinas: RT-PCR test ng mga dayuhan suriin sa Omicron

0 158

Kinakailangan isailalim sa whole genome sequencing sa Philippine Genome Center (PGC), ang lahat ng RT-PCR samples na magpopositibo sa COVID-19 ng lahat ng dayuhan na darating sa bansa at nagmula sa mga bansang mayroon lokal na kaso ng Omicron variant.

Ito ang binigyang-diin ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas sa ginanap na Laging Handa briefing kahapon.

Ayon kay Abeyasinghe, ang Omicron variant na kumakalat internationally ay may napakataas na global risk at maaring pagmulan ng surges sa ilang lugar.

“Omicron has an unprecedented number of spike mutations, some of which are concerning for their potential impact on the trajectory of the pandemic,”ani Abeyasinghe.

“The overall global risk related to the new variant of concern Omicron is assessed as very high,” dagdag pa ng WHO official. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.