Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

WHO: Di bakunado tagilid sa Omicron

0 49

Nagbabala ang World Health Organization o WHO na mapanganib para sa mga hindi pa bakunado ng COVID ang Omicron variant.

Sa tala ng WHO, mahigit 15 million na mga kaso na ang nai-report sa kanila noong nakaraang linggo.

Sa kabila nito, may milyon pang mga kaso na hindi na napaulat.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, lumitaw na karamihan ng mga mamamayang naka-admit sa mga ospital ay hindi bakunado.

Sinabi pa ni Tedros na bagama’t nananatiling epektibo sa pagpigil ng death at severe COVID disease ang bakuna ay hindi naman umano ito lubusang nagpipigil sa transmission.

Leave A Reply

Your email address will not be published.