Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

WHO: Ala-COVID na Marburg virus naitala sa Africa

0 176

Nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng Marburg virus sa West Africa.

Ang nasabing virus ay maihahalintulad din sa coronavirus disease at sinasabing may kaugnayan sa Ebola.

Nagmula ang virus sa paniki kung saan nakahawa na rin ito sa tao.

Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO), naitala ang unang nasapol o nasawing lalaki sa West Africa. May fatality rate ang naturang Marburg ng hanggang 88 porsiyento.

Sa pahayag ni Dr. Matshidiso Moeti, WHO Regional Director sa Africa, puspusan ngayon ang ginagawa nilang hakbang upang makontrol ang pagkalat nito sa iba pang lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.