Una sa Balita

White ibibiyahe ang Phoenix

By
0 1,057

Balik-PBA din ang 24-anyos na si James White, isa sa pinakabatang import na nag­laro sa liga.

Kaga-graduate lang ni White sa Georgia Tech noong 2016 nang tapikin ng noo’y Mahindra (Columbian Dyip ngayon) para isagupa sa season-ending Go­vernors’ Cup. Undrafted sa NBA si 6-foot-8 White nang taon na ‘yun.

Nabitbit ni White ang Enforcer hanggang quarterfinals, No. 5 sa 6-5 win-loss record pagkatapos ng eliminations, pero sinipa sa isang bigwasan lang ng twice-to-beat No. 4 Meralco.
Makalipas ang dalawang taon, balik si White pero sa Phoenix Fuel Masters na.

Nadala ang Mahindra sa kaisa-isang playoffs stint, susubukan ni White sa ilalim ni coach Louie Alas na ikampay din ang Fuel Masters nang mas malayo pa.

Noong nakaraang taon ay apat sa 11 laro sa classification phase ang naipanalo ng Phoenix at napadpad sa No. 7.

Natapat sa No. 2 at twice-to-beat San Miguel Beer sa quarterfinals, isang laro lang ay nalaglag na ang Fuel Masters.