Una sa Balita

White House tiklop sa CNN reporter

0 275

Ibinalik ng White House ang media credential ni CNN reporter Jim Acosta subalit nagpabaon ng babala na muli itong iba-ban kapag lumabag sa mga patakarang pinaiiral sa mga media event kasama ang US president.

Kapalit nito, inatras na rin ng CNN ang asunto dahil sa pag-ban kay Acosta sa White House matapos na maki­pagtalo ito sa press conference ni President Donald Trump kamakailan.

“Today the @WhiteHouse fully restored @Acosta’s press pass,” ayon sa pinost ng CNN sa Twitter.” As a result, our lawsuit is no longer necessary. We look forward to continuing to cover the While House.”

Inanunsyo naman ng White House na ipaiiral nila ang patakaran na isang tanong lamang ang maaaring ibato ng journalist at papayagan lamang ang follow-up question kung papayag ang presidente o sinomang opisyal.

Noong nakaraang linggo, inutos ni US District Judge Timothy Kelly sa White House na muling papasukin si Acosta dahil hindi ito nabigyan ng ‘due process’ noong i-ban ito subalit hindi agad nagdesisyon kung nilabag ang press freedom at constitutional rights ni Acosta.