Una sa Balita

WHITE HOUSE NAIRITA NA!

By ,
0 128

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakitaan ng pagkairita ang White House sa pinakahuling mga katagang binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China, partikular ang anunsyo nitong pakikipaghiwalay ng Pilipinas sa Amerika, kung saan napagbuntunan pa ng White House spokesman si Trade Sec. Ramon Lopez sa ginagawang “paglilinis” sa maanghang na mga salita ng Philippine leader.

Espesipikong napagbuntunan ng White House spokesman ay si Trade Sec. Ramon Lopez dahil sa ginagawang “pag­lilinis” sa maanghang na mga salita ng Philippine leader.

Ang White House ay ang official residence at seat of power ng US pre­sident. Ito ang Malacañang ng Estados Unidos.

Itinuturing ng White House na “offensive” ang mga salitang binitiwan ng Pangulo ng Pilipinas noong Huwebes sa Beijing, China patungkol sa agrabyadong kalagayan ng bansa sa mahabang panahong pakikipagrelasyon sa Amerika kaya’t, “[it’s] time to say goodbye.”

Kahapon (Biyernes sa Washington D.C.), sinabi ni White House spokesman John Earnest na ang mga salita ni Duterte, “[were] creating unneces­sary uncertainty in our relationship” at hindi pa umano ito nakaklaro mismo ng Pangulo.

Ito ay sa kabila ng pahayag naman ni Pa­ngulong Duterte kahapon ng madaling-araw sa kanyang arrival speech sa Davao City International Airport  pagkagaling sa China state visit na, “It is not severance of ties… you say severance of ties, you cut the diplomatic relations. I cannot do that. I said separation – what I was really saying was separation of a foreign policy.”

Pero sa ulat ng CNN (Cable News Network) mula sa Washington, kahit ang pahayag na ito ng Pa­ngulo, “will do little to ease US concerns or the sudden tensions between the allies of 70 years.”

Dagdag pa sa ulat, “The Philippines leader’s comments risk disrupting not just US ties to his country, but US ties to the larger Asia-Pacific, a region that President Barack Obama has made a central pillar of his foreign policy ambitions as he looks to anchor the US in the Pacific century.”

Inilarawan din ng CNN report na “unusually sharp” ang reaksyon ni Earnest sa pagtatangka ng isang opis­yal ng gabinete ni Duterte para klaruhin ang “separation” remarks. “[This] may reflect White House uneasiness about the implications of the country’s stance.”

Ang tinutukoy sa ulat ay si Trade Sec. Lopez na kamakalawa ay nagsabing, “The statement the President made maintains the relationship with the West. What we are saying is that there will be less dependence just on one side of the world.”

Nang hingan ng CNN ng komento sa pahayag ni Lopez, sinabi ng White House spokesman na, “I’ve dubbed that person the Filipino Mike Pence.”

Si Mike Pence ay ang vice presidential candidate ng Republican sa eleksyon sa US, na kalimitang “taga­linis” o taga-labnaw ng mga kontrobersyal ding salita ni GOP presidential candidate Donald Trump.

Kinarga rin ng Business Insider sa kanilang website ang hindi pangkaraniwang reaksyon ng White House at sinabing, “This is not the first time Duterte has ruffled the US’ feathers. In September, President Barack Obama canceled a trip to the Philippines after Duterte called him a ‘son of a bitch’ and told him to ‘go to hell’.”

Samantala, nagpahayag kahapon ng pangamba si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada na dahil sa matapang na pagkalas ni Pangulong Duterte sa kontrol at impluwensya ng Amerika ay baka kumilos ang huli para mapatalsik ito sa puwesto.

“`Yun ang pangamba ko. Sa’kin nga ginawa e,” ani Estrada na ang tinutukoy ay ang pag-impeach sa kanya noong 2001. “Na­raramdaman ko ngayon ‘yung nararamdaman ni President Duterte.”

Pero nagpahayag din ng solidong suporta ang dating pangulo sa mapangahas na pasya ng kasalukuyang pamahalaan.

“`Di komo tinutulungan tayo ng US, papakialaman naman nila internal problems natin. We are a sove­reign country. We have our own Constitution,” ayon kay  Estrada.

“Tama naman ginagawa ni Pangulong Duterte, bakit sila nakikialam?” dagdag pa niya sa US.
Sinabi rin ni Estrada na sinusuportahan nito ang pakikipag-alyansa ni Duterte sa China dahil hindi ito nakikialam sa ating independence.

Idinagdag pa ni Estrada, noong siya ay pangulo ng bansa, palaging nakikialam ang Amerika.
Reaksyon dito ng Malacañang, “We appre­ciate Mayor Joseph Estrada’s concern,” text message ni Communications Sec. Martin Andanar.

Pero dinugtong din nito agad sa text na, “We are sure that the US government continues to respect the de­mocratic institution of the Phi­lippines.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy