Una sa Balita

What A Feeling kuminang

0 284

IPINAKITA ni class A jockey Mark Angelo Alvarez ang tikas nito sa pagdadala at diskarte matapos itaguyod sa panalo ang kabayong si What A Feeling sa 2019 PHILRACOM “Three-Year-Old Imported / Local Challenge Race” sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kinapitan ni Refuse To Lose ang bandera paglabas ng aparato, sinabayan naman siya ni What A Feeling pero pagsapit ng backstretch ay inagaw ng second choice favorite Mark Of Excellence ang unahan.

Nagmatyag muna sa tersero puwesto si What A Feeling na isang USA horse subalit nang lumapit ang kakampi ni Mark Of Excellence na si To It’s Si Bing ay gumalaw na rin ang winning horse.

Pagdating ng far turn ay kumukuha na ng unahan si What A Feeling habang sinusundan na rin siya ni To It’s Si Bing na nirendahan ni Class A Jockey MM Gonzales.

Hindi naman na pinaporma ni Alvarez ang kalaban, binayo niya si What A Feeling upang lumayo pa at tumuloy na sa finish line.

Sinikwat ni AK G. Castro, may-ari ni What A Feeling, ang P900,000 na premyo matapos tawirin ang 1,600-meter race sa tiyempong 1:43.2 minuto.

“Salamat sa mga sumusuporta kay What A Feeling sana magtuloy-tuloy ang kanyang panalo,” hayag ni owner Castro. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy