Una sa Balita

WGM Frayna papasiklab sa ‘Gapo

By
0 3

Susulong ng piyesa si WGM Janelle Mae Frayna sa 30-player simultaneous exhibition ngayong umaga sa 2nd Floor ng FMA Hall ng Olongapo City Hall.

Ang nasabing event ay para sa chess development at fund raising ni Frayna sa kanyang European Campaign.

Puntirya ni Frayna na makapasok sa top 10 women players sa buong mundo sa susunod na dalawa hanggang apat na taon.

Inorganisa nina Joel Villanueva, Raymundo Espiritu at David Bayarong kasama ang City Mayor ng Olongapo na si Hon. Rolen C. Paulino ang nasabing okasyon para matulungan si Frayna sa kanyang pa­ngangailangan.

Pagkatapos ng exhibition games ni Frayna, magkakaroon ng chess lectures at lessons mula kay GM Jayson Gonzales.