Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wetpaks ni Hemsworth kinasasabikan

0 169

Excited na ang maraming Marvel fan na makita ang puwet ni Chris Hemsworth sa pelikulang Thor: Love and Thunder.

Kinumpirma ng Aussie actor na may naked butt scene siya sa movie at inabot daw ng sampung taon bago niya ginawa iyon sa isang Marvel film na pinagbibidahan niya.

“It was 10 years in the making that scene — kind of a dream of mine. The first time I played Thor I took my shirt off and I thought, ‘You know what’s gonna sweeten this… a decade from now it’s all gonna come off”,” sey ng aktor na unang nagbida as Thor noong 2011.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na ipakita ng 38-year-old actor ang kanyang puwet sa pelikula. Una raw nangyari iyon ay sa pelikulang Rush noong 2013.

“I had that out in Rush many years ago. In a Marvel film, it was a very large screen, it was a very big pair of cheeks, and, I don’t know, I had seen it before!” tawa pa niya.

Ang director ni Chris sa Thor: Love and Thunder na si Taika Waititi ang nagsabi na kailangang ipakita na ng aktor ang pinaghirapan niyang katawan.

Muling nakasama ni Chris si Natalie Portman na isang taong nag-training para ma-achieve ang ganda ng katawan sa role niya as Mighty Thor. Pinatangkad din daw si Natalie sa movie mula sa height niyang 5’3″ ay ginawa siyang 6 footer sa pelikula. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.