Una sa Balita

Westeros, Lakan Takhan pinapaboran

0 196

MALALAMAN na kung sino ang malupit na batang kabayo sa bansa paglarga ng 2019 PHILRACOM “Three-Year-Old Fillies & Colts” race nga­yong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Markado sa P600,000 na premyo para sa unang kabayong tatawid sa meta ang kalahok na Westeros at Lakan Takhan.

May distansyang 1,600 meters, rerendahan ni class A rider AR Villegas si Westeros habang sasakyan ni Kelvin Abobo si Lakan Takhan.

Pero ayon kay Artemio Manansala na isang karerista ay posibleng manalo ang dehado dahil malaki ang nakatayang premyo sa event na pasisibatin sa Race 4.

“Magagaling sina Westeros at Lakan Takhan pero naghanda rin naman ang ibang kalahok kaya puwedeng manalo ang dehado tulad ni Gil’s Magic,” hayag ni Manansala.

Ang ibang kalahok ay sina Barayong, Gepnits, Mount Dulang Dulang, My Jopay, Petersaints, The Accountant, Toy For The Bigboy at Two Timer.

May iuuwi na P225,000 ang second placer, may P125,000 ang ibubulsa ng tersero habang P50,000 ang fourth.

Hahamig din ng P30,000 ang breeder ng winning horse na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Samantala, may kakargahin ang Fillies na 52 kgs. habang 54 kgs. ang papasanin ng Colts. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy