Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Western Visayas P380B kailangan para makarekober sa krisis

0 419

Kakailanganin ng Western Visayas ng tinatayang P380 bilyon para sa susunod na tatlong taon upang mapondohan ang mga mungkahing proyekto tungo sa pagbangon ng rehiyon sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Batay ito sa Regional Recovery Plan for Covid-19 na inaprubahan ng Regional Development Council ng Western Visayas sa ginawang 2nd Quarter online meeting noong July 2.

Nilaan ang budget para sa ekonomiya na may P253.286 bilyon; social services, P83.638 bilyon; governance, P37.144 bilyon; environment, P3.839 bilyon; at infra at transpo, P2.210 bilyon.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA)-6 regional director Ro-Ann Bacal, magbibigay ito ng blueprint para sa pagbangon ng ekonomiya ng rehiyon sa ilalim ng new normal. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.