Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Westbrook-Wall trade tama kina Haden, Beal

0 138

Kina James Harden at Bradley Beal ang tama ng trade nina Russell Westbrook at John Wall.

Hindi nagtagal ang termino ni Westbrook sa Houston, pagkatapos ng isang season lang ay binasag agad ng Rockets ang tambalan nila ni Harden.

Pinamigay ng Rockets si Westbrook sa Wizards kapalit ni Wall at lottery-protected 2023 first round pick, ayon sa ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Ito rin ang gusto ng dalawang players at ilang linggo na ring niluluto ang deal.

SM food to go Banner Ad

Mid-November ay stop daw ang negosasyon nagtawagan nitong Martes sina general managers Tommy Sheppard ng Washington at Rafael Stone ng Houston.

Ilang oras lang, plantsado ang deal.

Ang latay ng trade ay posibleng sa dalawang shooting guards – baka gugustuhin na ni Harden na manatili long-term sa Rockets, gayundin si Beal sa Wizards.

Bago ang Westbrook-Wall deal, tahimik na humingi si Harden ng trade rin.

Noong 2019-20 offseason, pinamigay ng Houston si Chris Paul sa Oklahoma City para makuha si Westbrook. Kaya lang, hindi dumating ang inaasahang resulta ng tandem nila ni Harden dahil hanggang second round lang ang Rockets sa nakaraang playoffs. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.