Una sa Balita

Westbrook, Thunder nagkasundo sa trade

0 357

NAGKAUSAP na raw ang Oklahoma City Thunder at kampo ni Russell Westbrook, at nagkasundo ang magkabila sa posibilidad na mai-trade ang dating MVP.

“Based on conversations among player (Westbrook), agent (Thad Fou­cher) and team (GM Sam Presti), Oklahoma City for the first time is receptive toward trade calls on franchise star Russell Westbrook,” ulat ni Shams Charania ng The Athletic.

Hindi nga lang daw maganda ang timing dahil ipit ang puwedeng ipasuweldo ng ibang teams dahil sa free agent deals. May apat na taon pa si Westbrook sa huling kontrata sa Thunder na nagkakahalaga ng $170 million – mabigat para sa mga nakararaming teams na posibleng magka-interes sa All-Star guard.

Bukas daw si Westbrook na malipat sa Miami, at nagkausap na nga raw ang Heat at Thunder.

Ang siste, ayon kay Barry Jackson ng Miami Herald ay aligaga ang Heat na isama sa pac­kage sina Bam Abedayo at Tyler Herro. Mukhang ang plano raw ng Miami ay magbawas ng players na wala sa kanilang long-term plans.

Wala pang hayagang nagsabi ng interes kay Westbrook, pero lumulutang ang Detroit Pistons at Houston Rockets na posibleng manligaw din. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy