Una sa Balita

Westbrook, Thunder lubog sa 0-2

0 244

INILAMPASO ng Oklahoma City ang Portland sa apat na laro nila sa regular season.

Pagdating ng playoffs, ibang klaseng Trail Blazers ang hinaharap ng Thunder.

Umiskor si CJ McCollum ng 33, umayuda ng 29 si Damian Lillard at muling kinubabawan ng Portland ang OKC 114-94 Martes ng gabi.

Inekisan ng Blazers ang 2-0 lead sa Western Conference first-round playoffs, lipat ng Oklahoma City ang Game 3 sa Sabado (araw sa Manila).
“Now we’ve to go on the road and get gritty,” ani McCollum.

Nag-ambag si Maurice Harkless ng 14 points at 9 rebounds sa Portland, ngayon lang inumpi­sahan ang isang playoff series sa dalawang panalo sapul noong 2014 nang sipain nila sa anim na laro ang Houston.

Kinapos ng dalawang rebounds para sa triple-double si Russell Westbrook na nagsumite ng 14 points at 11 assists. Nilabas na si Westbrook at ibang Thunder starters sa 3:31 mark nang lumayo ang Portland 112-91.

Tumapos si Paul George ng 27 points sa kabila ng iniindang nananakit na kanang balikat na binalot ng kinesiology tape.

Abante ang Blazers 91-75 pagkatapos ng three, inalagaan ang lead na pinalaki sa 100-83 sa 3-pointer ni Seth Curry. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy