Una sa Balita

Westbrook rumesbak ng triple ‘D’ sa Mavs

By
0 372

LINGGO ng gabi ay na­silat ang Oklahoma City sa Dallas, 105-103.

Pagkatapos ng laro, nagbitaw ng salita si Russell Westbrook: “We play tomorrow and I’ll be better from then on.”
Tinotoo ni Westbrook ang pangako, nagsalansan ng triple double – 32 points, 11 rebounds at 11 assists – at bumawi ang Thunder sa panga­lawang laro ng back-to-back kontra Mavericks, 122-102.

Start-to-finish na nasa trangko ang OKC, humugot pa ng 22 points kay Paul George at 16 mula kay Jerami Grant.

Sa talo noong Linggo ay 4-of-22 lang mula sa field si Westbrook tungo sa katiting na 9 points. Hawak pa ng Thunder ang anim na puntos na bentahe sa final 1:59 pero tumukod.

Sa pambawing panalo, 13-of-24 sa floor si Westbrook at instrumento sa 60-43 lead ng Oklahoma City sa break.

Sinunog ni Dallas coach Rick Carlisle ang lima sa kanyang pitong timeouts sa first half para mapigil ang momentum ng Thunder, pero hindi nakabawi ang Mavs mula sa 1-for-9 start mula sa field. Napuwersa sa 29 turnovers.

Nanguna sa Mave­ricks ang 25 points ni Harrison Barnes na pinantayan ang career-high seven 3-pointers sa nine attempts. Umayuda ng 17 si Luka Doncic.

Habang inaalat ang shooting ng Mavs, nagpiyesta ng 16 points si George sa first quarter at lumayo nang 17 ang Oklahoma City. Pinabuka pa ng Thunder ang lead sa 22 sa first half.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy