Una sa Balita

Westbrook naghamon!

0 675

TAONG-BAHAY ang lahat dahil sa coronavirus, nauso ang iba’t ibang ‘challenges’ na game na game namang tinutugunan ng celebrities at athletes.

Hindi nagpahuli si Russell Westbrook, sumakay din ang Houston Rockets superstar sa isang hamon.

Sinagot ni Westbrook ang ‘Push-Up Challenge’ at pinakita sa kanyang Instagram.

Hindi lang simpleng push-up ang ginawa, pinahirap niya pa.

Pinasakay nya sa kanyang likod ang panganay na anak na si Noah bago nag-push-up nang 10 beses.

“@russwest44 si doing the #PushUpChallenge with his son Noah on his back,” caption ng NBA on ESPN sa video.

Pagkatapos makumpleto ang hamon, ni-nominate ni Westbrook ang mga kapwa-players na sina Austin Rivers, Jeff Green, Thabo Sefolosha, PJ Tucker at Chris Paul para gawin din ang challenge. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More