Una sa Balita

Westbrook nag-angas, nakarma

0 369

KAPAG nagtapat sina Russell Westbrook at Damian Lillard, paniguradong hindi mawawala ang asaran sa pagitan ng dalawa.

At pinatunayan ni Russ sa laban ng Houston Rockets at Portland Trailblazers.

Nitong Biyernes ay pinostehan ni Westbrook si Lillard sa 4th quarter ng laro.

Nang aktong titira ay nasundot ni Lillard ang kamay ni Westbrook dahilan para tawagan ito ng foul.

Dito na nagsimulang mag-angas ang one-time NBA MVP na si Westbrook kay Lillard.

“A foul is a bucket,” sigaw ni Westbrook. “Can’t guard me. Impossible.”
Ngunit sa huli, kay Lillard pa rin ang huling halakhak.

Nang ma-foul ay namintis ni Westbrook ang unang free throw, dagdag pa ay lamang ang Portland ng 14 nang ito’y magyabang.

Sa dulo ay wagi ang Blazers, 117-107, sa 25 points, tigpitong assists at rebounds ni Lillard.

Maganda rin ang pinakita ni Westbrook, kumamada ng triple-double sa 31 points, 12 assists at 11 rebounds ngunit nakuha ang ikatlong talo sa apat na laro. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More