Una sa Balita

Westbrook ika-4 pa lang na may 100 triple-double

By
0 5,471

Nilista ni Russell Westbrook ang panga­lan bilang pang-apat na NBA player pa lang na nakapagtala ng 100 triple-doubles sa buong career.

Si Westbrook din ang nagsindi sa 16-0 run ng Oklahoma City Thunder para tustahin ang Atlanta Hawks, 119-107, Martes ng gabi sa 72nd NBA season eliminations.

Umiskor siya ng 32 points, nagbaba ng 12 rebounds at may 12 assists para samahan sa elite group sina Oscar Robertson (181 triple-doubles), Magic Johnson (138) at Jason Kidd (107).

Pangatlo siya sa pinakamabilis na nakarating sa milestone. Naka-277 games si Robertson para makumpleto ang 100, nakuha ito ni Johnson sa 656th game. Si Westbrook ay sumalang sa 736th game ng career.

“The group of guys that’s ahead are Hall of Famers,” bulalas ni Westbrook. “I’m just happy to be a part of the crew with those guys.”

Pinalakpakan pa siya ng Atlanta crowd nang ibaba ang 10th rebound para makumpleto ang triple-double, 2:38 sa laro.

Huling tumabla ang Hawks sa 103 mula sa 3 ni Taurean Prince bago umiskor ng se­ven si Westbrook, sinahugan ng 3 at three-point play ni Jerami Grant na parehong mula sa feed ni Westbrook, at kumalas ang Thunder.

Tinapos ni Carmelo Anthony ang run nang ibaon ang pang-anim na 3 tungo sa 21 points. May 20 si Grant.

Bagsak si Thunder big man Paul George sa third nang bigyan ng hard foul, inilabas at hindi na lumaro.

Ire-­re-evaluate si George para malaman kung gaano kalala ang inabot na groin injury.