Una sa Balita

Westbrook, Harden reunion sa Houston ROCKETS PASABOG!

0 212

UMALIS ng Rockets si Chris Paul para muling magsama sina James Harden at Russell Westbrook sa Houston.

Iniulat ng ESPN na pinamigay na ng Oklahoma City Thunder si Westbrook sa Houston kapalit ni Paul. May nakuha pang first-round picks sa 2024 at 2026 ang Thunder, at right para makipagpalitan ng first-rounders­ din sa dalawang hiwalay na seasons.

May naipon nang 9,181 career assists si Paul, pinakamarami sa active players. Nakalista sa pa­ngalan ni Westbrook ang 138 triple-doubles,

kapantay si Magic Johnson sa second-most sa NBA history sa likod ng 181 ni Oscar Robertson.

Si Westbrook ang MVP noong 2017, sa sumunod na season ay si Harden. Silang dalawa ang highest scorers sa nakalipas na limang seasons – 11,958 points kay Harden, 10,025 kay Westbrook.

Tatlong taon ding naging magkakampi sa OKC sina Harden at Westbrook, kasama si Kevin Durant, hanggang 2011-12 nang ihatid ng tatlo ang Thunder sa NBA Finals. Natalo sila sa limang laro kina LeBron James, Dwyane­ Wade at Miami Heat. Pagkatapos ng season, lumipat ng Houston si Harden.

Nang i-trade ng Thunder si Paul George sa Clippers noong isang linggo, naging klaro ang senaryo na pakakawalan na rin nila si Westbrook.

Mukhang todo-balasa na ang OKC, nag-ipon ng first-round picks para magbuo ng bagong mukha ng prangkisa. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy