Una sa Balita

Westbrook, Harden pinadapa ang Raptors

0 436

Tropiko hanggang Tokyo, sa preseason game ng Houston at Toronto, ang namuong tensiyon sa China at NBA.

‘Di maiwasang mabanggit, dahil kay Rockets general manager Daryl Morey nanggaling ang burado nang tweet na pagsuporta sa anti-government protests sa Hong Kong.

Nagbanta ang Chinese state broadcaster CCTV na ‘di na ipapalabas ang naka-iskedyul na preseason games sa China – una ang 114-111 win ng Brooklyn sa Nets nitong Huwebes.

Kanselado rin ang ilang media events, kabilang ang media session ni NBA commissioner Adam Silver.

“You know what? It’s a tough situation,” ani Rockets coach Mike D’Antoni tapos ng 118-111 win ng Houston at defending champion Raptors. “Very difficult. Adam Silver speaks for the NBA. I work for the NBA. I go with Adam. Commissioner Silver will do the right thing.”

Umiskor ng tig-22 sina Russell Westbrook at James Harden para bitbitin sa panalo ang Rockets. Malamya pa ang kanilang shooting – combined 13 of 33 mula sa field lang ang dalawang guards, 4 for 19 sa 3-point range. Sablay si Harden sa huling anim na 3s.

Hinarana ng higit 20,000 fans ng “M-V-P!” chants ang dalawang dating MVPs.

Nanguna ang 22 ni Norman Powell sa Toronto, 16 points kay Pascal Siakam at 10-point, 10-assist double-double kay Fred VanVleet. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More