Una sa Balita

Westbrook, George nganga sa Grizzlies

By
0 303

TULOY ang pagiging spoiler ng Memphis Grizzlies, lalo sa mga dumadayong kagrupo nila sa Western Confe­rence na nakikipagha­bulan ng playoff spot.

Huling biniktima ng Grizzlies ang Oklahoma City thunder, 115-103, Lunes nang gabi sa likod ng career-high 24 points ni Bruno Caboclo.

Apat sa limang pana­lo sa sariling teritoryo ng Memphis ay laban sa playoff teams, ang pang­lima ay kontra Orlando na nakikipagbuno rin para sa final playoff spot sa East.

“This is a team that’s beaten Houston in here, they’ve beaten Utah in here, and they’ve bea­ten Portland in here,” paalala ni Thunder coach Billy Donovan.

Nagdagdag ng 21 si Tyler Dorsey, may 18 points at 14 rebounds si Jonas Valanciunas sa Grizzlies (30-44) na nasa 13th place sa West.

“I feel like our motto was—once we were out of the playoffs—it was kind of like, ‘Let’s mess up other teams’ seasons by giving them a loss,’” lahad ni Delon Wright, nagsumite ng 18 points at career-high 13 assists.

Pinamunuan ng 30 points at 12 rebounds ni Paul George ang OKC, nagdagdag si Dennis Schroder ng 25 points. Tumapos si Russell Westbrook ng 16 points at 7 assists pero 6 of 20 lang mula sa field.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy