Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Westbrook ayaw kalasan si LeBron

0 71

MANANATILI si Russell Westbrook sa tabi nila C at Anthony Davis sa Los Angeles.

Sa ulat ng ESPN, pinik-ap raw ni Westbrook ang kanyang opsiyon na nagkakahalaga ng $47.1 million para maglaro muli sa Lakers sa 2022-W023.

Pang-15th na ni Westbrook ang papasok na NBA season, magiging 34 na rin siya.

Naging MVP na rin siya at isa sa 75 all-time players, pero parang walang team na gustong sumalo sa napakalaking kontrata niya.

May hanggang ngayong araw para ma-finalize ang option ni Westbrook. Panglima at huling season na ito ng $207 million contract na pinirmahan niya pa sa Oklahoma City Thunder.

Mula OKC, trinade siya sa Houston noong 2019, pinamigay din sa Washington noong 2020 at napadpad sa LA noong 2021.

Walang nangyari sa trio nila Westbrook, James at Davis, ni hindi umabot sa play-in tournament ang Lakers. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.