Una sa Balita

Wesley tinalbos si Yu

0 218

Sumalo si super grandmaster Wesley So sa second­ spot matapos kalusin si GM Yu Yangyi kahapon sa round 3 ng Altibox Norway Chess 2019 sa The Stravanger region, Norway.

Nakalikom si 25-year-old So ng apat na puntos matapos ang 66 moves ng Nimzowitsch Attack sa event na may 10-player single round robin.

Ang ibang four pointers ay sina GM Ding Liren ng China at Levon Aronian ng Armenia habang solo sa unahan si reigning World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway tangan ang limang puntos.

Sunod na makakalaban ni Imus, Cavite native So si GM Fabiano Caruana ng USA sa round 4 habang katapat ni Carlsen si GM Shakhriyar Mame­dyarov ng Azerbaijan.

Ang format ng scoring ay dalawang puntos sa mananalo habang 0.5 sa tabla.

Sakaling mauwi sa draw ang laban sa standard ay magkakaroon ng armageddon game para malaman kung sino ang makakalamang sa puntos. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy