Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wesley tabla sa top spot

0 40

SUMIKSIK sa four-way tie sa first place si super grandmaster Wesley So matapos magtala ng dalawang draw at isang panalo sa Paris Rapid & Blitz second leg ng Grand Chess Tour na isinusulong via over-the-board, (OTB) sa France.

Nakapagtala ng dalawang puntos si 27-year-old So matapos ang Round 3 upang samahan sa tuktok sina GM Ian Nepomniachtchi at Peter Svidler na mga taga-Russia at Levon Aronian ng USA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakipaghatian muna si Bacoor, Cavite native So kay GM Alireza Firouzja na dala ang FIDE flag sa Round 1 bago pinisak si GM Richard Rapport ng Hungary sa pangalawa.

Tabla muli ang laro ni former Philippine Chess team star So sa Round 3 kontra Svidler kaya naman nanatili ito sa unahan sa event na ipinatutupad ang 10-player single round Robin. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.