Una sa Balita

Wesley tabla kay Maxime

0 308

TUMULAK ng back-to-back draw si super grandmaster Wesley So matapos makipaghatian ng puntos kay GM Maxime Vachier-Lagrave ng France sa Round 2 ng 2019 Sinquefield Cup sa Saint Louis, USA kahapon.

Nakalikom si So, 25, ng isang puntos matapos ang 43 moves ng Giuoco Piano opening sa event na may 12-player single round robin format.

Nanatiling nasa tuktok si former world champion GM Viswanathan Anand ng India, tangan ang 1.5 points.

Tabla ang laban ni Anand kay reigning world champion GM Magnus Carlsen ng Norway, umabot sa 45 sulungan ng Sicilian ang kanilang banatan.

Makakalaban ni Imus, Cavite native, So si GM Anish Giri ng Netherlands sa Round 3.

Kaparehong puntos ni da­ting Philippine Chess Team star So sina Carlsen, Lagrave at Anish.

Ang ibang GM na one pointers ay sina Levon Aronian ng Armenia, Ding Liren ng China, Sergey Karjakin ng Russia, Shakhriyar Mamedyarov ng Azebaijan, Hikaru Nakamura at Fabiano Caruana ng USA.

Samantala, nasa ilalim si Russian GM Ian Nepomniachtchi hawak ang 0.5 puntos. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy