Una sa Balita

Wesley So hindi na boring sa Round 9

0 326

SISIKAPIN ni super grandmaster Wesley So na ­makabawi upang mapasaya nito ang mga fan na nabato sa kanyang huling laro.

Puro pintas at pangungutya ang komento ng mga nakapanood sa laban ni 25-year-old So kay Danill Dubov ng Russia sa round 8 ng 2020 Tata Steel Masters na ginaganap sa Wijk aan Zee sa Netherlands, nitong Lunes.

Ito’y dahil umabot lang sa 15 sulungan ang kanilang banatan.

“Sana naman makapanood kami ng magandang laban, boring ‘yung huling laro ni idol,” saad ng ­panatiko ni Imus, Cavite native, So na si Glenn Doria.
Nagkaroon ng isang araw na pahinga sa event na may 14-player single round robin format.

Makakalaban ni So sa round nine si GM Anish Giri ng host country.
Nakisalo si Imus, Cavite native So kay GM Jorden Van Foreest ng Netherlands sa third spot tangan ang tig-limang puntos.

Dalawa naman ang nag-aagawan sa top spot, ito’y sina GM Fabiano Caruana ng USA at 16-­year-old GM Alireza Firouzja ng Iran. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More