Una sa Balita

Wesley sibak sa Grand Prix

0 295

LAGLAG na si Pinoy GM Wesley So sa 2nd Grand Prix Series Knockout 2019 sa Jurmala/Riga, Latvia matapos makipaghatian ng puntos kay Azerbaijan GM Shakhriyar Mamedyarov sa Game 2 ng classical match.

Nakalikom lang si 25-year-old So ng 0.5 laban sa 1.5 ni Mamedyarov sa dalawang game na classical.

Yumuko si So sa Game 1 matapos ang 34 moves ng Queen’s Gambit, habang tabla sa Game 2, umabot ang kanilang laro sa 38 sulungan ng isa pang QG.
Dahil sa talo, muling susubok sa ibang tournament si So para sa inaasam na makalaro sa World Championship.

Makakaharap ni Mamedyarov sa finals si GM Maxime Vachier-Lagrave ng France na kinalos si Russian GM Alexander Grischuk. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy