Una sa Balita

Wesley, Sergey nagpatigasan

0 284

NAGKASUNDO sa draw game sina super grandmasters Wesley So at Sergey Karjakin ng Russia sa Game 1, round-of-eight ng 2nd Grand Prix Series Knockout 2019 sa Jurmala/Riga, Latvia kahapon.

Umabot lang sa 17 moves ng Petroff ang banatan nina 25-year-old So at former world champion challenger Karjakin, may isa pa silang classical game para malaman kung sino ang sasampa sa susunod na round.

Kailangan ni Imus, Cavite native So na makuha ang panalo upang umentra sa last four at magkaroon ng tsansa na makaharap sa World Championship si GM Magnus Carlsen na siyang may hawak ng korona.

Kasalukuyang nasa No. 4 sa world ranking si dating Philippine Chess team star So habang No. 1 pa rin si Carlsen.

Sakaling mauwi ulit sa draw ang laban ay magkakaroon ng dalawang tie-break rapid games at kapag wala pang nagkatalo ay 5 +3 second increment blitz na ang lalaruin. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy