Una sa Balita

Wesley namuro sa Round-of-16

0 220

NAMUMURO si super grandmaster Wesley So sa Round-of-16 matapos kalusin sa Game 1 si GM Santosh Vidit ng India sa FIDE World Cup 2019 knockoout sa Khanty-Mansiysk sa Russia kahapon.

Tangan ni 25-year-old So ang 1-0 bentahe matapos pagulungin si Vidit sa 93 moves ng Queen’s Gambit, kailangan na lang ng Pinoy star na itabla ang laro upang pormal na umentra sa last 16.

Pagkatira ni former Philippine Chess team member So ng g5 sa 58th move ay ramdam na nito ang panalo.

Bago hinarap ni So si Vidit ay tinalbos niya muna si GM Anton Demchenko ng Russia.

Sakaling sumampa si Imus, Cavite native, So sa last 16, makakatapat naman niya ang mananalo sa pagitan nina Russian GMs Sergey Karjakin at Nikita Vitiugov.

Pangunahing pakay ni So sa pagsali sa nasabing event ay para magkaroon ng pagkakataon na makalaro sa World Championship kung saan ang reigning World Champion ay si GM Magnus Carlsen ng Norway. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy