Una sa Balita

Wesley may tsansa sa World No. 4 spot

0 357

UMAKYAT sa No. 5 sa world ranking si ­super Grandmaster Wesley So ­matapos kumulekta ng malaking puntos sa ­kanyang Elo rating nang talunin si ­Alireza Firouzja ng Iran sa round four ng 2020 Tata Steel Masters sa Wijk aan Zee sa ­Netherlands Miyerkoles nang gabi.

Kasalukuyang may Elo rating na 2774 si 25-year-old So, nasa pang-apat si russian GM Alexander Grischuk na may Elo 2777.

Posibleng maungusan agad ni So si Grischuk kapag tinalo niya si GM Vladislav Kovalev ng Belarus sa round 5 sa event na may 14-player single round robin format.

Nagkaroon ng isang araw na pahinga pagkatapos ng fourth round kaya tiyak na naghanda si Imus, Cavite native So para manatili sa tuktok tangan ang ­tatlong puntos mula sa dalawang panalo at ­dalawang tabla. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More