Una sa Balita

Wesley, Magnus muling magkukrus

0 292

NAKATAKDANG sumulong ng piyesa si super grandmaster Wesley So sa 2019 Sinquefield Cup sa darating na August 16-30 sa Saint Louis, USA.

May 12-player single round robin, nakalaan ang prize fund na $325,000.

Makakalaban ni 25-year-old So ang tatlong nagsalo sa tuktok sa nakaraang taong edition na sina reigning world champion GM Magnus Carlsen ng Norway, GM Fabiano Caruana ng USA at GM Levon Aronian ng Armenia.

Ang ibang tigasing grandmaster na kalahok ay sina Ding Liren ng China, Maxime Vachier-Lagrave ng France, Viswanathan Anand ng India, Ian Nepomniachtchi at Sergey Karjakin ng Russia, Hikaru Nakamura ng USA at Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan.

Magkakaroon muna ng autograph session para sa mga fans bago simulan ang bakbakan sa Agosto 17, makakaharap ni Imus, Cavite native So sa round 1 si Liren. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy