Una sa Balita

Wesley lamang na, nauwi pa sa draw

0 230

DALAWANG pawn ang lamang ni former Philippine chess team star GM Wesley So kay GM Fabiano Caruana ng USA pero hindi nito naipanalo at mu­ling nauwi sa draw ang laban sa Round 5 ng 2019 Sinquefield Cup sa Saint Louis, USA kahapon.

Nakasilip ng perpetual check si Caruana kaya nakapuwersa siya ng tabla kay super GM So sa kanilang 36 moves ng uncommon opening.

Nakalikom si 25-year-old So ng 2.5 points upang sumalo sa fourth spot sa event na may 12-player single round robin format.

Tatlong GM ang nagsalo sa tuktok matapos manalo ni Ding Liren ng China kay Anish Giri, nilista nito ang three points kapareho nina Caruana at da­ting world champion Viswanathan Anand ng India.

Makakaharap ni Imus, Cavite native So si GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan sa round 6.

Ang ibang 2.5 pointers ay sina reigning WC GM Magnus Carlsen ng Norway, Mamedyarov, GM Maxime Vachier-Lagrave ng France at Russian GMs na sina Sergey Karjakin at Ian Nepomniachtchi. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy