Una sa Balita

Wesley hilig ‘sumiksik’

0 242

NAKISIKSIK sa top spot si super Grandmaster Wesley So matapos kalusin si former World Champion GM Viswanathan Anand ng India sa Round 2 ng 2020 Tata Steel Masters na ginaganap sa Wijk aan Zee sa Netherlands.

Nakalikom si 25-year-old So ng 1.5 puntos matapos padapain si Anand sa 26 moves ng Giuoco Piano, kasalo niya sa No. 1 sina GM Jeffery Xiong ng USA, Vladislav Artemiev ng Russia, Danill Dubov ng Russia at Alireza Fi­rouzja ng Iran.

Tabla ang unang laro ni Imus, Cavite native So kay GM Fabiano Caruana ng USA matapos ang 33 moves ng Queen’s Gambit sa event na may 14-player single round robin format.

Nasa five-way tie sa sixth si reigning World Champion GM magnus Carlsen ng Norway, tangan nito ang isang puntos kasama si Caruana.

Sa last round makakaharap ni So si Carlsen. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More