Una sa Balita

Wesley abante sa Last 32

0 254

ABANTE sa susunod na round si super grandmaster Wesley So matapos patalsikin si GM Anton Demchenko sa FIDE World Cup 2019 knockout sa Khanty-Mansiysk sa Russia.

Tabla muna ang laban sa unang laro at pagkatapos ay kinalos ni 25-year-old So si Demchenko sa 40 moves ng Queen’s Gambit upang ilista ang 1.5-0.5 bentahe.

Bago hinarap ni former Philippine Chess Team member So si Demchenko, pinayuko niya muna si IM Sergio Vega Duran ng Costa Rica.

Nasa round-of-32 na si Imus, Cavite native So sa 128-player knockout, sunod niyang makakalaban si GM S.G. Vidit ng India.

Sakaling sumampa si So sa last 16, makakatapat naman niya ang mananalo sa pagitan nina Russian GMs Sergey Karjakin at Nikita Vitiugov. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy