Una sa Balita

Werpa ni digong pantapat sa pork – Ping

By
0 724

TILA naubusan na ng pag-asa si Senador Panfilo “Ping” Lacson na malilinis pa sa bicameral confe­rence committee ang 2019 ­national budget sa mga pork insertions.

Ito ay nang manawagan si Lacson kay mismong Pangulong Rodrigo Duterte upang ito na ang umaksyon na burahin ang mga insertion ng mga mambabatas na wala nang pag-asang masagip pa.

Maaari aniyang gamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang line-item veto power sa mga nakasingit na pork sa pambansang budget.

“My President, you have displayed your strong political will on several occasions. This time, use your line-item veto power over the 2019 appropriations measure by removing all the ‘pork’ inserted by lawmakers who are incorrigibly insatiable and simply ‘beyond redemption,’” saad ni Lacson sa kanyang tweet.

Inamin din ni Lacson na hanggang ngayon ay hindi pa ipinapaalam ni Senate finance committee Chairperson ­Loren Legarda sa kanila ang mga amendment na tinanggap at inalis ng dalawang lider ng ­bicam panels.

“It can’t be business as usual of simply routing to the bicam members all that the small group bicam composed of both chairs have agreed as amendments without us at least going through the major amendments,” diin ni Lacson.
“Especially the P160M per congressman, P23B for some sena­tors and of course the important institutional amendments that we introduced,” dagdag ng senador.

Dahil naman aniya sa patuloy na pagkakabinbin ng budget sa bicam, magpapatawag si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng all senators caucus ngayong araw na ito (Miyerkoles) bago ang kanilang sesyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy