Una sa Balita

Wendell ayaw nang maging Kapamilya

0 1,416

Ni: Rose Garcia

Bumilib kami at sana ay hindi dumating ang araw na “kainin” ni Wendell Ramos ang naging pahayag niya. Nakausap namin si Wendell sa taping ng “Prima Donnas”.

Si Wendell ay talagang Kapuso star umpisa pa lang. In fact, isa si Wendell sa mga original cast ng “Bubble Gang”. Pero five or seven years ago, umalis ito sa poder ng Kapuso at naging Kapatid hanggang sa maging Kapamilya. Pero nagbalik-Kapuso rin.

At tahasan niyang sinasabi na hindi na raw siya lilipat ng network and that, forever na siyang Kapuso.

“Okay na ‘yung na-experience ko lahat ng networks. Kasi, noong nag-start naman ako noong young teen days namin, wala pang Artist Center, wala pang Star Magic so lahat, nakakatawid kami.

“Mga year 2000 ‘yung medyo tight na. So, nag-try ako sa TV5, nag-try ako sa ABS-CBN. Pero siyempre, babalikan mo ang sinimulan mo. I started here and I’m so glad na I’m back. At napakabait ng GMA dahil hindi lang ako binigyan ng trabaho kung hindi binigyan ako ng trabaho na malaki ang responsibilidad.”

Nauna na nga raw ang “Onanay” dati and then, ngayon nga, ang “Prima Donnas”.

“Saan ka pa ba pupunta, ‘di ba?”

‘Yun nga lang, paano kung mag-offer muli sa kanilang dalawa ni Aiko Melendez sa ABS tulad nu’ng ginawa nila ang “Wild Flower”?

“Okay na ‘ko, masaya na ‘ko rito. Sobrang saya na ‘ko rito. Done na ako. Kumbaga, friends ko rin naman sila at wala rin naman akong masabi sa ABS sa pagbigay nila ng break sa amin, sa TV5, pero for sure, maiintindihan nila kung bakit nag-stay na rin ako rito.”

Sa puso nga raw ni Wendell, he’ll always be a Kapuso.

Sa isang banda, natutuwa si Wendell na pataas nang pataas ang ratings nila ng “Prima Donnas”.

***

Marian pantasya ni Betong

May 16 artista na kabilang sina Dingdong Dantes at Alden Richards ang magiging special guest ni Betong Sumaya sa kanyang “Try Ko Lang Ha? Betong’s Amazing Concert” sa November 21 sa Music Museum. Pero nang tanungin namin ito kung sino ang talagang dream o wish niya na maging guest, mabilis ang sagot niya na, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“Si Marian po talaga. Actually, nag-text ako sa kanya at tuwang-tuwa ako nang sumagot siya agad sa text ko.

“Sa ngayon, naghihintay pa ‘ko, kasi, hindi pa siya maka-oo, siguro ayusin pa niya ang schedule niya. Pero si Marian po kasi, isa siya sa mga una kong nakasama talaga kaya sana talaga.”

Nakakaaliw si Betong dahil sa Huwebes na ang concert niya, pero aminado itong sobrang kabado pa rin.

“Hindi po talaga ‘ko confident! Ha ha ha! Talagang medyo ‘yung pressure po sa akin talaga e, doble-doble,” pag-amin niya.

Napakinggan naming kumanta si Betong, aba, e, singer naman pala at dati ay sumasali pa sa iba’t ibang singing contest. Kaya rin naman pala, dalawang taon na siyang inaalok na mag-concert pero dalawang taon din niyang tinatanggihan.

Ngayong taon lang daw siya napapayag at kaya rin sa November 21 dahil ‘yun din daw ang actual niyang kaarawan.

In fairness, sold-out na raw ang V.I.P. kaya buy na kayo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy