Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Welshman sa Davao, nag-aral ng Bisaya para sa staff

0 434

Tinuturing ngayon na isa sa mga nakamamanghang istorya ng mga foreign national sa Pilipinas ang kuwento ng isang Welshman sa Davao City.

Ayon sa trending post sa Facebook, permanente nang residente sa Davao City ang 28-anyos na si Anselm matapos niyang makapag-asawa ng Pinay.

Nagtayo siya ng maliit na fishpond sa Cateel, Davao Oriental kahit walang background tungkol doon.

Ilang buwan siyang nag-aral magmaneho ng bangka at magsalita ng Bisaya para sa mga kabarangay niya at mga tauhan sa fishpond.

Ani Anselm, siya mismo ang nag-adjust para matutong mag-Bisaya.

“It would be tough for them if I just spoke English, so it is only right that being here, I take the hit, and try doing everything in Bisaya,” paliwanag ni Anselm.

Leave A Reply

Your email address will not be published.