Una sa Balita

Wells bagay sa SMB

0 229

BUKAS na magsisimula ang 44th Philippine Basketball Association Governor’s Cup 2019, pero may tatlong team pa ang wala sa bansa dahil kasalukuyang mga kumakampanya pa sa East Asia League Terrific 12 2019 sa Macau.

Nagbukas ang nasabing torneo sa balwarte ng mga Chinese nitong Martes, Setyembre 17 at matatapos sa Linggo, Set. 22 kung saan kalahok ang San Miguel Beer, Blackwater at TNT.
Wow ang simula ng Beermen nang languin ang Shenzhen China Aviators, 90-76, pero ‘di naman pinalad ang Elite kontra Seoul South Korea Knights, 77-93, at ang KaTropa laban sa Liaoning China Flying Leopards, 91-96.

Pasikat si Dezmine Wells sa Beer sa binuslong 29 points, 8 rebounds, 5 steals, at 4 assists, habang saklolo si Lester Prosper ng 15 boards at 10 markers. May 17 points si Terrence Romeo, at tig-11 sina Chris Ross at Christian Standhardinger.

Magandang exposure ito para sa tatlong PBA team dahil sa paghahanda nila sa seasopn-ending conference, lalo na sa San Miguel na umaasinta ng grand slam II. Pakay sundan ang Triple Crown nila noon pang 1989.

Iba ang pakiramdam ng mga basketbolista kapag nagbalik-aksyon sa liga mula sa paglalaro sa international cagefest. Malaki ang nagagawa sa kanila kapag galing sa abroad. Mga maaangas at ganado sa balik-laro sa PBA.

Tampok nga pala sa unang araw ng hostilidad sa Govs Cup eliminations sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City sa araw na ito ang mga paghahamok ng Alaska Milk-Columbian sa alas-4:30 ng hapon, at NorthPort-Rain or Shine sa alas-7 ng gabi.

***
Patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan sa Abante News Online, tuwing Martes ng alas-6 ng gabi. At abangan rin po ninyo ang aming mga pasabog sa ikalawang taon ng Sportalakan. Salamat po. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy