Una sa Balita

Welder todas sa kasamahan

0 243

BINAWIAN ng buhay ang isang welder makaraang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan sa Caloocan City, kahapon nang madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medi­cal Center si Ronel Lanquita, 23, nakatira sa No. 123 West Avenue, Brgy. Bungad, Quezon City, dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahuli naman sa follow-up operation si Joshua Flores, 21, naninirahan sa Tondo Manila.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-tres nang madaling-araw, nag-iinuman ang dalawa sa J. Teodoro St., Brgy. 48, Caloocan City.

Makalipas ang ilang oras, nagtalo sila tungkol sa kanilang trabaho.

Dahil dito, kumuha ng patalim ang suspek at tinarakan ang biktima.

Tumakas ang suspek ngunit nadakip din siya kaagad matapos ang dalawang oras, habang dinala sa nasabing pagamutan si Lanquita, ngunit binawian na ito ng buhay.

Kinasuhan ng homicide si Flores. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy