Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Welder nangisay sa kuryente

0 62

Nasawi ang isang 36-anyos na welder matapos makuryente dahil sa isang steel bar na hinihinalang dumikit sa isang linya ng live wire sa Dasmariñas City, Cavite, Miyerkoles ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Albert Buscas, nasa hustong edad, na namatay sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ulat ni Corporal Michael Ryan Gapit ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-12:05 kamakalawa ng tanghali nang maganap ang trahedya sa Wilcon Depot sa Brgy. Paliparan 1 sa nasabing siyudad kung saan nag-welding ang biktima sa ibabaw ng isang scaffolding.

Nangailangan ang biktima ng steel bar kaya tinawag umano ang isang Alvaro Diaz upang iabot sa kanya. Subalit paghawak ng biktima sa bakal ay nakarinig sila ng pagputok ng kuryente hanggang sa nahulog ito na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Hinala ng imbestigador na dumikit ang bakal sa isang linya ng kuryente subalit patuloy pang sinisiyasat ang insidente kung may naganap na foul play o sadyang aksidente ang nangyari. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.