Una sa Balita

Welder nahulog, nakuryente sa dagat

By
0 1,437

PATAY ang isang 23-anyos na welder matapos mahulog at makuryente sa dagat kahapon nang tanghali sa Manila Harbour Center, Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Jomar Tadra, binata ng Blk. 31 Lot 12 Northville, Bignay, Valenzuela City.

Ayon kay SPO1 Jorlan Taluban, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, bandang alas-11:05 nang tanghali nang maganap ang insidente sakop ng Miguel De Legaspi Road sa Manila Harbour Center.

Abante Hiring – IT dep

Nagwe-welding umano ang biktima sa gilid ng dagat nang lumipat ito malapit sa kanyang ginagawa habang bitbit ang kanyang mga gamit dahilan para mawalan umano ito ng panimbang at mahulog sa tubig.

Dahil nakasamang nahulog ang kanyang gamit, nakita itong nangingisay sa tubig.

Napansin ng iba nitong kasamahan ang pagkahulog ng biktima sa dagat at nangingisay kaya dali-daling pinatay ang kuryente saka iniahon sa tubig ang biktima at saka isinugod sa Tondo Medical Center.

Dakong alas-12:05 nang tanghali nang ideklarang patay si Tadra ng mga doktor.