Una sa Balita

Weinstein sinipa sa Academy

By
0 17

Tinanggal ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences sa kanilang hanay ang Hollywood mogul na si Harvey Weinstein matapos sumabog ang reklamo ng sexual harassment, assault, at rape ng higit dalawang dosenang artista at mo­delo laban sa 65-anyos na producer.

Sa isang emergency meeting nitong Sabado ng 54 miyembro ng board of governors, na kinabibilangan ng mga aktor na sina Tom Hanks, Whoopi Goldberg, at Laura Dern, lagpas ng 2/3 majority ang bumoto para patalsikin si Weinstein.

“We do not so simply to separate ourselves from someone who does not merit the respect of his colleagues but also to send a message that the era of willful ignorance and shameful complicity in sexually predatory behavior and workplace harassment in our industry is over,” ayon sa statement ng organisasyon na nasa likod ng The Oscars.

Simula nang lumabas ang artikulo ng New York Times hinggil sa mga nabiktima ng producer sa mga nakalipas na dekada, umamin ang mga sikat na aktres na sina Angelina Jolie, Mira Sorvino, Rosanna Arquette, Gwyneth Paltrow, at Lea Seydoux na nabiktima din sila ng manyakis na producer.

Sinasabing nagpa-rehab si Weinstein matapos sumabog ang eskandalo kunsaan sa video ng ABC ay sinabi nitong “I got to get help. You know what, we all make mistakes.”