Una sa Balita

Weightlifting sa SEA Games nais maging Olympic qualifier

0 172

PABOR si Philippine Olympic Committee (POC) president Victorico “Ricky” Vargas na hilingin ng mga national sports association (NSA) na kabilang sa mga Olympic sports sa isasagawa na paghohost ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games ng Pilipinas na maging mga Olympic qualifier.

“Definitely, that would be fantastic. We have the edge if we can do that. Imbes na 3 to 4 lang ang mag-qualify, will become at least 10 na,” sabi ni Vargas sa una nitong pagdalo sa lingguhang Phili­ppine Sportswriters Association (PSA) forum sa Amelie Hotel kamakailan.

Ito ay matapos naman pumayag ang internasyonal na asosasyon sa swimming na FINA o Federation International des Navigaciones na kilalanin ang isasagawang kompetisyon sa bansa na 30th Southeast Asian Games bilang isa sa mga posibleng kunan ng ranking points na makapagkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics.

Sumulat na din ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) sa internasyonal nitong organisasyon na humihiling na gawin nitong isang official Olympic qualifying at ranking tournament ang isasagawa nitong mga event sa kada dalawang taong SEA Games upang mapalakas ang tsansa ng Pilipinas na makapagpalada ng weightlifters.

Kabuuang 56 sports kabilang ang compulsory at mandatory sports na swimming at athletics ang isasagawa sa multi-event na kompetisyon na SEA Games na gagawin sa bansa simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy