Una sa Balita

Weightlifter Colonia hihirit pa

By
0 2

KUALA LUMPUR — Patutunayan ni 2016 Rio de Janeiro Olympian­ Nestor Colonia sa kanyang mga kritiko na may ibubuga pa siya sa kam­panya kung magpapatu­loy o-magreretiro na para sa Team Pilipinas sa natitirang tatlong araw na lang ng 29th Southeast Asian Games 2017 sa iba’t ibang palaruan dito.

Kakasa ang 5-foot-2, 25-year-old Zamboanga City native at Airman second class nga­yong alas-11:00 ng umaga sa weightlifting men’s 56-kilogram bilang ta­nging bet ng bansa sa nasabing sport sa Malaysian International Trade and Exhition Centre Hall 11.

Mataas ang kumpiyansa ni Philippine Weightlifting Federation (PWF) president Monico Puente­vella sa nag-iisang pambatong weightlifter ng bansa sa kabila na nagbabawi pa lang ng lakas buhat sa operasyon sa likod.

“It’s a make-or-break campaign for us,” namutawi kay Puentevella, na dating chairman ng Phi­lippine Olympic Committee. “We didn’t send any athlete because they didn’t pass the criteria. On the other hand, the organizers scrapped women’s events so our best lifter, Hidilyn Diaz, isn’t competing.”

Suportado si Colonia rito ng kababayan, kaibigan, national teammate at Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na dumating dito kahapon upang mag-cheer sa mga kasamang atleta.“Nandito lang ako para mag-cheer sa kanya (Colonia) at sa iba pa nating mga atleta,” bulalas ni Diaz.