Una sa Balita

Weh ‘di nga? Imee Marcos pang-17 richest sa Senado

0 693

NANANATILING pinakamayaman na miyembro ng Senado sa ilalim ng 18 Congress, si Senadora Cynthia Villar kahit na nabawasan pa ng P186 milyon ang kanyang net worth sa nakalipas na anim na buwan.

Batay sa huling Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga miyembro ng Senado nitong Hunyo 30, 2019, idineklara ni Villar ang kanyang net worth na P3,534,412,797.

Mas maliit ito ng P185,529,016 kumpara sa kanyang net worth na P3,719,941,858 na idineklara nito noong Disyembre 31, 2018.
Pinakamahirap naman ang de­tinadong Senador Leila de Lima na may net worth na P7,706,392.45.

Sa hanay na mga bagong senador, ang bagitong Senador na si Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang pinakamahirap na may net worth na P15,508,370.82
Pangalawang pinakamayaman ang Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao na may net worth na P3,005,808,000. Nasa ikatlong puwesto si Senador Ralph Recto, P555,324,479.82 na sinundan ni Sen. Juan Miguel Zubiri, P182,851,570.34 at pang­lima si Sen. Ramon Bong Revilla, P164,203,379.38.
Pang-anim si Sen. Sonny Angara P139,026,597; sinundan nina Senate Minority Leader Franklin Drilon P97,726,758; Sen. Sherwin Gatchalian P96,210,607.14; Sen. Grace Poe P95,693,450.37 at Sen. Pilar Juliana Cayetano, P82,308,227.36.

Nasa 11 puwesto si Sen. Ri­chard Gordon, P71,285,178.56 habang pang-12 puwesto si Se­nate President Vicente Sotto III P70,120,700.30.
Pang-13 naman ang nagbalik sa Senado na si Manuel Lapid, P69,910,000 at sinundan ng baguhan din sa Senado na si Sen. Francis Tolentino, P62,482,000.

Pasok naman sa ika-15 si Sen. Nancy Binay na nagdeklara ng P59,911,019 net worth.

Sumunod kay Binay sina Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, P42,442,34; Sen. Imee Marcos, P29,970,467, at Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, P29,934,635.
Ang baguhan din sa Senado na si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ay nasa ika-19 na nagdeklara ng net worth na P28,258,908.

Sinundan ito nina Sen. Joel Villanueva P26,921,555; Sen. Francis Pangilinan, P16,695,048.17 at Sen. Risa Hontiveros P15,627,176.04. Pang-23 at pang-24 sina Go at De Lima. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy