Una sa Balita

Weekend road reblocking sa QC, Pasig at Caloocan

By , ,
0 64

Asahan na ang pagsisikip sa daloy ng trapiko ngayong araw ng Sabado at Linggo bunsod ng isasagawang road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lansa­ngan sa Metro Manila.

Ayon sa abiso ng DPWH, isasagawa ang pagsasaayos sa mga lungsod ng Quezon City, Pasig City at Caloocan ngayong araw hanggang Linggo.

Pinapayuhan ng ahensiya ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang makaiwas sa inaasahang idudulot na pagsisikip ng trapiko.

Tinukoy sa Quezon City na isasagawa ang road reblocking sa southbound direction ng A. Bonifacio Avenue sa pagitan ng Mauban Street hanggang Sgt. Rivera; ikalawang linya ng southbound direction ng Min­danao Avenue matapos ang Tandang Sora sa harap ng Shell; ikalawang linya sa southbound direction ng EDSA sa panululan ng Roosevelt Avenue.

Samantala, sa Lungsod ng Pasig ay isasagawa ang proyekto sa southbound direction ng C-5 Road ‘di kalayuan sa Lanuza Avenue at northbound direction ng Manila East Road sa harap ng SM East Ortigas.

Habang sa Caloocan City, ang road repair ay sa bahagi ng northbound direction ng MacArthur Highway ‘di kalayuan sa Monumento Circle. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy