Una sa Balita

Weekend protest sa HK binabala ng DFA

0 240

NAGLABAS ng public advisory ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan pinayuhan nito ang mga Pilipino na iwasan munang bumiyahe o mamasyal sa Hong Kong dahil sa patuloy na mga kilos protesta ng mamamayan sa special administrative region ng China ngayong weekend.

Sa public advisory ng DFA nitong Biyernes, sinabi ng kagawaran na kung wala namang urgent business sa Hong Kong ay iwasan munang magpunta dito o kahit tumigil pansamantala.

Pinayuhan din ng DFA ang mga Pilipino na paalis sa Hong Kong na makipag-ugnayan sa airline company limang oras bago ang kanilang scheduled flight para malaman kung matutuloy ito.

Ayon sa DFA, batay sa report na natanggap ng konsulado ng Pilipinas, may mga naka-schedule pang kilos protesta ang mga mamamayan ng Hong Kong:

*Agosto 17 sa Charter Garden, Central to Central Government Offices, Admiralty; Hung Hom Pier to Sung Wong Toi Garden, Kowloon

*Agosto 18 sa Victoria Park, Causeway Bay to Chater Road, Central

*Agosto 19: clean up MTR carriages

*Agosto 25 sa Kwai Tiang Theatre, Kwai Chung to Tsuen Wan Park

Payo ng DFA sa mga Pilipinong nasa Hong Kong na iwasang magpunta sa mga nasabing lugar at huwag magsusuot ng damit o magdadala ng anumang gamit na maaaring mapagkamalan silang kasama sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy