Una sa Balita

Wedding look ni Jessy ipinasilip na ‘Soon!’ – Luis

By
0 2,938

Soon po’ ang comment ni Luis Manzano in reference sa bridal photo ni Jessy Mendiola intended para sa isang magazine.

Siyempre, kinilig naman ang kanilang mga tagaha­nga dahil talagang nagpapahiwatig na ang binata nina Vilma Santos at Edu Manzano.

Pero, walang reaksiyon dito si Jessy na siguro ay playing safe rin kung ano ba ang isasagot niya o dedma talaga siya sa isasagot dahil baka ma-blown out of proportion lang ito.

O, baka naman over-reacting din ang fans dahil baka nga raw ang ibig sabihin ni Luis na ‘soon po’ ay ang release ng magazine na ‘yun.

Pero, bakit kailangan siya ang magsabi nun, devah? Dapat si Jessy o ang publisher ng magazine? Korek!

Anyway, gandang-ganda ang lahat sa bridal photo na ‘yun ni Jessy. Bride na bride ang dating na maging si Luis ay gusto na yatang magsuot ng suit at ituloy na ang kasalang ‘yun. He! He! He!

Lalo na nga raw sa araw mismo nang pag-iisang dibdib nila, for sure, lulutang at lulutang gandang porselana na yun ni Jessy.

Hopia kayong lahat, noh? Chos!

***

Jessy J napanganga sa husay ni KZ

Another pride si KZ Tandingan!!!

Aba, kabugin ba naman niya ang very popular international singer na si Jessie J sa talent search na Singer 2018 ng China, ano pa nga ba ang mararamdaman ng bawat Pinoy sa buong mundo?

Yesiree, si KZ ang number one spot sa unang week na pagsalang niya sa contest na ito na ang kinanta niya ay ang Rolling In The Deep ni Adele with matching Pinoy rap pa.

Walang magawa ang Chinese audience pati na si Jessie J kundi ang mapanganga sa total performance na ‘yun ni KZ. Grabe ang impact niya kaya ‘yung susunod niyang performance ay malaking challenge sa Filipina singer dahil siyempre, mas mataas ang expectations sa kanya.

Mangiyak-ngiyak nga ang hitad nung yakapin siya ng kanyang idolo sa sobrang paghanga rin sa kanya.

Bravo, KZ!!!